Hai kakaboring ngayong araw na to.. Hirap talaga pag mag-isa ka lang... Wala ka masyadong kakwentuhan o kaya kakulitan.. Hirap talaga pag napahiwalay ka sa mga kasama mo.. Ok lang sana kasi you will meet new faces pero hindi pa rin ganun.. Kahit sabihin na natin na may kakilala ko sa section namin pero puro lalaki naman (clasm8 ko nung 1st sem).. May kasama naman ako pero iba pa rin yun mga nagiging kasama ko na dati.. Miss ko na sila tuloy.. Kahit sana may clasm8 man lang ako nung 2nd sem.. Wala eh ni isa! Kasi unexpected talaga na babalik pa ko.. Malay ko bang babalik pa ko eh di sana nakasabay ako sa kanila.. Pero ok na rin para maging seryoso naman ako sa buhay.. hehehe..
Grabe yung anatomy namin 3 1/2 hours!! Ka-boring talaga! 1st day pa lang namin dun discussion na agad! Tapos next meeting quiz na agad... Grabe naman oh.. Buti nga pinagbreak kami pero 15 mins. lang.. Medyo mahigpit yung prof namin dun.. Ayaw na ayaw niya sa mga late.. Nagkataon na-late ako kanina.. hehehe.. Ang traffic kasi sa may legarda at sa may stop and shop.. Kabanas! Kasi ba naman 7 ang start ng classes... Aagahan ko na nga umalis..
At eto pa yung prof namin sa literature di nga mahigpit ang weird naman.. Ewan ko ba kung atheist yun.. Nahalata na namin sa signature niya (sa COR namin).. Para bang 3 number 6.. (gets?) Ang layo naman sa initials ng name niya.. Eto pa ang name niya Miel Kristian Ondevilla.. Pansinin niyo surname niya parang may kakaiba di ba? Tapos kung pano pa siya magsalita para bang iniimpluwensyahan pa kami ng masama.
Sample: "At your age right now you should experience doing premarital sex, alcoholism, etc.. Because you can't do those things when you already graduated from college you will already help your parents, etc.."
Eto pa: "Why study nursing in 4 years if you could learn how to rob a bank or how to steal in months? Your just wasting a lot of time.."
What the heck prof ba to?!? Ngayon lang ako nagkaroon ng prof na ganito.. Tapos harap-harapan pang nagmumura sa min.. Tapos sinisiraan pa niya ang feu.. Bakit pa daw kailangan pag-aralan ang literature eh hindi naman namin magagamit in the near future.. Nagsasayang lang daw kami ng pera kasi hindi daw namin alam kung bakit kailangan pang pag-aralan ang literature ng mga nursing students na katulad namin.. Yung pera daw pinambabayad namin ginagamit lang sa paglago ng feu.. (totoo yun.. hahaha..) Ginagamit pa daw sa uniform ng mga uaap players.. Naiisip isip ko may matutunan ba ko dito? Good luck na lang sa min.. Buti na lang nag-time na.. Gustong-gusto ko na lumabas nun.. hehehe..
Stat naman ang sunod.. Masyadong seryoso yung prof namin dun.. Sa totoo lang kahit ayaw ko na maging prof yung prof namin dati sa math at computer (2 beses ko na kasi siya naging prof at nakakasawa na kasi.. hehehe..) Mas gusto ko pa yung prof namin dati kasi kahit seryoso yun masaya naman yung klase namin.. hehehe.. Kahit ba english speaker pa yung prof namin dati na kahit san mo siya makita or makausap dapat in english pa rin ang pag-uusap niyo (kahit pa sa lrt) at kahit pa kung ano2x pa pinapagawa niya sa min dati na gumawa daw kami ng music video ganyan2x.. Todo gastos kami dun ha.. Mas gusto ko pa rin siya maging prof.. Mataas din kasi siya magbigay ng grade di tulad ng prof namin ngayon nangbabagsak daw..
Sa totoo lang parang 2 prof lang ata ang mababait sa min.. Sa history at english..
Haba na pala ng na-type ko.. Ngayon lang ata ako nag-type ng ganito kahaba sa xanga.. hehehe.. Makaalis na nga.. Buti na lang wala kami pasok bukas.. Pwedeng pwede matulog buong araw! hehehe... (^^,)
Chatboard (1)